Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Blake ite-trade na ng Detroit Pistons

0 213

NAGDESISYON ang Detroit Pistons na igarahe na si All-Star forward Blake Griffin habang pinoproseso ang trade demand nito, ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Isinasaayos na ngayon ng Pistons ang ilang trade scenario para kay Griffin pati ang maaaring buy-out sa kontrata nito.

“After extensive conversation with Blake’s representatives, it has been determined that we will begin working to facilitate a resolution regarding his future with the team that maximizes the interests of both parties,” pahayag ni Pistons GM Troy Weaver sa ESPN nitong Lunes (Manila time).

“We respect all the effort Blake has put forth in Detroit and his career and will work to achieve a positive outcome for all involved.”

Ngayong season, may average ang 31-year-old cager na 12.3 points, 5.2 rebounds, 3.9 assists habang magugunita na 18 games lamang nalaro ni Griffin noong nakaraang season matapos itong sumalang sa season-ending left knee surgery.

Nakauha ng Pistons si Griffin taong 2018 mula sa Los Angeles Clippers. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.