Una sa Balita

Blackwater—TNT trade: Parks wingman na ni Castro

0 510

MUKHANG ‘di pa tapos ang pagpapakawala ng Blackwater Elite ng mga pinakamaangas nilang players.

Si rookie Bobby Ray Parks Jr. naman ang ­napaulat na ginagawan ng paraan ng Elite para mai-trade.

Mukhang naghabol ng galawan ang Blackwater, dahil ­matatapos na ang season at mukhang mapapaaga ang exit ng team sa PBA Governors Cup. Tapos ng 101-93 loss sa Ginebra nitong Miyerkoles, laglag sa 2-7 ang Elite, nasa kailaliman ng standings at nanganganib nang ­masipa sa torneo.

No. 2 pick ng Blackwater si Parks noong Disyembre, pero tinapos muna ang obligasyon sa Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League bago sumampa sa PBA midseason Commissioner’s Cup.

Inaasahang ­magiging wingman si Parks  ni combo guard Jayson Castro sa KaTropa.

Napaulat noon na dalawang conferences lang ang pinirmahan ng anak ni dating seven-time Best Import Bobby Parks. Mukhang ‘di magkakaroon ng contract extension, kaya nauwi sa trade habang maaga pa.

Base sa report ng TV5/ESPN, sa TNT ang destinasyon ni Parks. Niluluto ipalit sa kanya si Don Trollano at dalawang future draft picks.

Kapag ‘di pumasa sa panlasa ng PBA trade committee, isasahog daw ang isa sa ­Semerad twins – Anthony o ­David.

Kamakailan lang, ikinasa din ng Blackwater at KaTropa ang one-on-one trade. Pinamigay ng Elite si Mike Digregorio sa TNT kapalit ni Brian Heruela. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More