Una sa Balita

Blackwater problema ang pagsalang ni Parks

By
0 387

IPINASA ng pamunuan ng Blackwater Elite ang desisyon sa PBA Commissioner’s Office kung hahayaan nitong pansamantalang hindi maglaro sa koponan o pupuwersahin ang kinuha nitong No. 2 overall pick na si Bobby Ray Parks, Jr. na sumabak sa aksiyon sa magbubukas na 2019 PBA Philippine Cup sa Enero 13.

Inamin ni Blackwater Governor Sylliman Sy na nakipag-usap sa kanila ang kampo ni Parks buong Lunes para ayusin ang kanilang kontrata sa Elite subalit hindi nakumpleto ang negosasyon kung kaya ipinapasa ng pamunuan ang pagdedesisyon kay PBA Commissioner Willie Marcial.

“We had a meeting Monday and everything about the offer and salary is good,” sabi ni Sy. “But the nagging question is when will Parks, Jr. could play because it was stated in the page 2 when the player submitted his application about his commitment in the league he is playing,” paliwanag ni Sy. “That is something the Commissioner should decide.”

Ipinaliwanag ni Sy na lubhang magkaiba ang situwasyon ni Parks at ang naging 2018 top rookie pick na si Christian Standhardinger na kinuha ng San Miguel Beer dahil ang Fil-German ay binigyan ng permiso ng buong league board para tapusin ang kabuuan ng kanyang kontrata sa Hong Kong sa ABL bago sumama sa Beermen.

“It’s something the Office of the Commissioner will have to review and look into,” sabi pa ni Sy isinasagawan­g press conference ng liga para sa ika-44th nitong taon.

Una nang sinabi ng anak ng 7-time PBA Best Import Bobby Parks na hindi pa ito pumipirma sa ibinigay na tatlong taong kontrata na may maximum na matatanggap na suweldo at committed ito na tapusin ang kanyang kabuuan ng kontrata para sa San Miguel Alab Pilipinas sa ABL. ()