Una sa Balita

Blackwater iyak sa tres ni Nambatac

0 311

ISINALPAK ni Rey Nambatac ang isang nakakarinding tres sa natitirang 2.3 segundo ng laro upang hatakin ang Rain or Shine Elasto Painters sa 83-80 panalo kontra sa No. 3 seed na Blackwater Elite upang agawin ang isang larong abante sa sarili nitong best-of-three series sa quarterfinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Hindi na nagdala­wang-isip ang nasa ikalawang taon na si Nambatac matapos makita ang papaubos na segundo ng laro upang ihagis ang isang malayo sa linya na tres na natagpuan lamang ang pinailalim ng net tungo sa pag-ahon sa panalo at mangailangan na lamang ng isa pa para makatuntong sa semifinals.

“It was a tough one, very tough one. But we found a way and we are very happy. We just got to control the game and maintain our lead,” sabi ni import Carl Montgomery na nagtala ng 17 puntos, 19 rebounds, dalawang assists at dalawang blocks para tanghaling Best Player ng laro.

Ibinuhos ng Elasto Painters ang 11-0 atake na pinakahuli ang tres ni Nambatac upang biguin ang nasa una lamang nitong paghahangad na makapasok sa Final Four na labanan na Elite. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy