Una sa Balita

PBA | Blackwater fully loaded

By
0 117

Mas maraming sandata, mas malaki ang tsansang manalo.

Iyan ang tingin ngayon ni coach Leo Isaac sa kanyang Blackwater squad na mukhang lalong na­dagdagan ang arsenal sa pamamagitan ng kanilang rookies.

“Maganda ipinapakita ng lahat,” ani Isaac, tukoy sila Raymar Jose, Emil Palma at Kyle Neypes na nakuha ng Elite mula sa nakaraang PBA draft.

“Maayos lahat. Madali nilang napi-pick up ang team concept na gusto namin at kahit iyung individual skills nila naipapakita rin nila ng maganda,” dagdag niya.

Ang tatlo ay inaasahan na makakatulong ng malaki sa mga dati ng Blackwater players na sila JP Erram, Mike Digregorio, Roi Sumang at siyempre, sina Allein Maliksi at Mac Belo.

Sina Maliksi at Belo ay kasama sa Gilas team na kumakampanya sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Japan at mawawala ng ilang laro. Pero pagbalik nila ay dala-dala ang karag­dagang eksperiyensa.

“Paglaro ng mga iyon sa amin, poging-pogi ang mga iyon,” wika ni Isaac.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy