Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Blackwater atras sa 3×3

0 32

HINDI na rin magpaparada ng team sa PBA 3×3 ang Blackwater.

Dahil sa pandemic, lugi ang negosyo ng Ever Bilena Cosmetics na parent company ng Bossing.

Kailangan ng cost-cutting.

“Mga make-up, non-essential,” ani owner Dioceldo Sy.

Sampu mula sa 12 clubs ng PBA na lang ang sasabak, planong isabay ang inaugural season ng 3×3 sa regular 5-on-5 ng Season 46.

Dahil sa delicadeza, unang umayaw ang Alaska Aces dahil ang team governor na si Dickie Bachmann ang ninombrahang PBA 3×3 chairman.

Mula sa labas, sasali raw ang Zamboanga Valientes at Master Sardines. Hanggang tatlong koponan pa ang inaasahang magpapasok din ng team.

Nagpalakas ang ibang teams ng kani-kanilang 3×3 squads.

Kinuha ng TNT si Jeremiah Gray, sunod na dinampot ng Meralco si Jason Brickman. Kinuha rin ng Phoenix si Brandon Ganuelas-Rosser.

Ang tatlo ay kasama sa Fil-foreign players na hindi nakakumpleto ng dokumento at na-scratch sa final list ng nakaraang Draft. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.