Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BlackPink pinadapa ang BTS

0 573

Nagtala ng bagong record ang female Kpop group na BLACKPINK sa kanilang pinaka bagong music video sa YouTube na inilabas nitong June 26 (Biyernes) lamang.

Sa loob ng isang araw ay mayroon na agad higit 90 million views ang music video ng kanilang bagong kanta na “How You Like That” at nag-trending pa sa lahat ng social media platform!

Waging-wagi na naman ang puso ng mga fan ng naturang grupo o kung tawagin ay “Blinks” dahil sa bagong milestone na ito.

Ayon sa pagtatantiya ni Soompi, ang “How You Like That” ay lumampas sa 90 milyong views sa YouTube sa isang araw, dalawang oras, at anim na minuto, kumpara sa “Boys With Luv” na tumagal ng isang araw, tatlong oras, at 50 minuto upang ma-achieve ang ang ganoon karaming views.

Ibig sabihin ay nahigitan nito ang record ng BTS, kaya naman todo bunyi talaga ang mga Blink sa social media. (Athena Yap)

Leave A Reply

Your email address will not be published.