Una sa Balita

Blackpink namangha sa pagkembot ni Ella Cruz

0 489

Biglang-sikat ngayon sa social media si Ella Cruz dahil sa naging reaksyon ng mga member ng Blackpink, sa kanilang performance ng kanyang team sa nakaraang dance competition na sinaksihan mismo ng nasabing all female K-Pop group.

Ang pangalan ng event ay “Awesome Black Pink” na ginanap sa Malaysia at ang team ni Ella na pinangalan nilang Gabriela ang representative ng Pilipinas.

Trending sa Twitter at Instagram ang excerpts ng sayaw ng team ni Ella at ang reaction shot ng Blackpink. Lukang-luka at bilib na bilib ang Blackpink sa pasabog ng team ni Ella.

Ang isa sa member ng Blackpink na si Lisa ay napahawak sa kanyang ulo sa nakitang sliding move ng kasama ni Ella sa grupo na ang name ay si Daphny. Tatlo sila sa grupo, si Ella, si Daphny at si Eunice.

Nagpasalin-salin sa lahat at naka-tag ang #AwesomeBLACKPINK at #BLACKPINKAwesomeLive ang video clip ng dance number nina Ella at ang reaksyon ng mga member ng nabanggit na K-Pop group.

Umaapaw sa saya ang puso ni Ella sa mga bumabati at humahanga sa kanilang performance.

Bukod dito, nakatabi pa ni Ella ang isa pa sa member ng Blackpink na si Rose at kinausap pa ito. Ito ang unang pagkakataong nakausap at nakatabi ni Ella ang iniidolong grupo.

Hindi nga lang daw masyadong naintindihan ni Ella ang sinabi sa kanya ng Korean singer dahil aligaga silang lahat sa photo op. Pero sa kamalayan ni Ella, parang sinasabi sa kanya ng idol niya na “mahusay” sila.

Jona daig ang bulkan sa pasabog sa Asian TV Awards

Kasabay ng pagputok ng bulkang Taal, ang pagputok naman ng mga Pinoy talent sa Asian entertainment scene. Pinabilib naman ni Jona ang manonood ng Asian TV Awards sa birit live rendition niya ng awiting “Somewhere Over The Rainbow”.

Sobrang husay nga kasi ni Jona sa performance niya, at hindi ako magtataka kung maging paborito si Jona na maimbitahan sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na sa mga awards night.

Gary V naiyak sa performance ni Pomoy

Naging emosyonal si Gary Valenciano dahil kay Marcelito Pomoy. Ito ang laman ng tweet ng livewire singer-performer na nagsasabing naluha siya sa napanood na audition ni Marcelito sa “America’s Got Talent”.

“I was brought to tears because of this. Allow me to share this beautiful clip with all of you. Mabuhay ka @marcelitopomoy8. God bless you,” sabi ni Gary.

Mapapanood sa YouTube ang naganap na standing ovation ng mga manonood sa nasabing reality singing search at ang overwhelming complimentary remarks ng mga judge lalo na ni Simon Cowell.

Ang naging reception ng audition at ng mga judge sa performance ni Marcelito ang naging dahilan ng pagiging emosyonal ni Gary. Isa sa mga nag-like ng tweet ni Gary ay ang Journey lead vocalist na si Arnel Pineda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More