Una sa Balita

Blackpink Lisa binaboy ng mga Thai fan

0 595

Naghimutok sa gigil at galit ang mga fan ng KPOP singer na si Lisa mula sa ­grupong Blackpink nang ­mapabalitang ­na-sexually harassed ito ng may-ari ng MQQN Cafe kung saan isinagawa ang isang photoshoot ng Korean star.

Ayon sa lumalabas na mga ulat, may nag-alok sa isang tao na bilhin sa halagang 100,000 baht (Php 169, 643.38) ang mga gamit na ginamit ni Lisa para sa nakaraang photoshoot.

Nakakasuklam pa nga ‘yong mga lumabas na comment tungkol rito.

“How much for the ­corner of the table (spot kung saan naupo si Lisa)” sabi ng isa.

“Do you want to f^ck with the table?” tugon naman nu’ng may-ari
“Please I just wanna sniff the corner” sambit naman ng isa pang netizen.
Maliban diyan, may mga laugh reactions pa sa mga comment na iyon which is obviously ­ginawa pang katatawanan ang ­pambabastos kay Lisa.

Hindi lang ‘yan, mayroon pang mga comment na talagang pinagnanasaan ang Korean Star.

“I offer 50,000 baht with no ­cleaning the couch” sabi ng isang netizen.
“The auction has started hahahaha” sagot naman ng may-ari.

“I offer you a car for the ­toilet lid that Lisa used in the restroom and if there had her p*bic hair I will leave you a land where is ­located Silom line.” sabi pa ng isang netizen.

Labis na pinandirihan at ­kinagalitan ng mga fan ang mga Thai sa ginawang ­pinagpiyestahan ng ­kabastusan ang kanilang idolo.

Kinalauna’y humingi ng sorry sa pamamagitan ng Facebook account ang may-ari ng Cafe na pinagshootingan ni Lisa sa mga fan ng singer pero hindi ito direktang humingi ng tawad kay Lisa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More