Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Blacklist ng PH pasok sa finals, Indonesia winalis

0 27

Pasok na sa finals ng MSC 2021 ang Pinoy team na Blacklist International matapos walisin ang EVOS Legends ng Indonesia, 3-0, nitong Sabado.

Bagamat best-of-five ang serye ay hindi na kinailangan pa ng Blacklist ng game 4 at game 5 at madaliang tinapos ang bawat laban.

Nagtapos ang game 1 at 2 sa loob lamang ng tig-13 minuto habang 12 minuto lamang ang tinagal ng game 3.

Dominado ng Blacklist ang kabuuan ng serye at nagtapos ang game 1 sa kill score na 23-16, habang 21-9 naman sa game 2 at 10-5 naman sa game 3.

Muling bumida si OhMyV33nus sa kanyang Estes sa game 3 na siyang nag-MVP tangan ang KDA na 2/1/5.

Samantala, ang Harith naman ni Oheb ang bumida sa game 2 sa KDA niya na 10/1/5.

Sinimulan ni Wise ang arangkada sa game 1 gamit ang Brody at tumapos sa KDA na 9/3/7. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.