Una sa Balita

Black women namamayagpag sa mga beauty pageant

0 354

Nagpaabot ng kanyang magandang mensahe si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters of South Africa sa bagong Miss Universe na taga-South Africa rin na si Zozibini Tunzi.

Proud si Demi dahil muling nasungkit ng kanilang bansa ang Miss Universe crown.

“South Africa, we did it again! We did it again! Zozi, we are so proud of you, welcome to the Miss Universe sisterhood. We’re all rooting for you. You did it! You did it!” sey ni Demi.

Sa kanyang Instagram pinost naman niya ay: “SOUTH AFRICA, SHE DID IT!!!!! @zozitunzi what a woman you are! Ps: I have a NYC to do list for you.”

Nag-celebrate naman ang maraming black women dahil sa sunod-sunod na panalo ng kanilang “sisters” sa mga beauty pageant.

Ang huling black woman na manalo ng Miss Universe ay si Leila Lopes of Angola noong 2011.

Ang iba pang black women na nanalo bilang Miss Universe ay sina Mpule Kwelagobe (1999, Botswana), Wendy Fitzwilliam (1998, Trinidad & Tobago), Chelsi Smith (1995, USA) and Janelle Commissiong (1977, Trinidad & Tobago).

Mga black women din ang nanalo this year bilang Miss USA and Miss Teen USA. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More