Una sa Balita

Black, white lady sa theme park

0 299

REY T. SIBAYAN

MGA ka-Misteryo naka­rinig na ba kayo ng nananaghoy na babae sa hatinggabi? O kaya gusto mong magpunta ng palikuran pero may babaeng nakatayo sa pintuan?

‘Yan ang ating pag-usapan ngayon: “Kapag may Misteryo, Alamin ang Totoo”
Kuwento ni Jose, isa sa caretaker ng theme park, nagising siya ng alas-dos nang madaling-araw na may narinig na umiiyak na babae sa labas.

Akala niya ito ay ang kasamahan nilang babaeng staff kung kaya lumabas siya para lapitan ang babae.

Jose: “O bakit ka umiiyak at bakit nasa labas ka?”

Walang sagot na narinig si Jose bagkus ay patuloy ang pag-iyak ng babae na nakatalikod sa kanya.

Ninerbiyos si Jose dahil hindi niya kilala ang hitsura ng babaeng nakaitim na damit at may belo.

Akmang lalapitan at kakalabitin ni Jose ang babae nang biglang maglaho sa kanyang paningin.

Biglang kumaripas ng takbo si Jose papasok sa kanyang silid na nangi­nginig sa takot.

Kinaumagahan ay naikuwento niya kay Dario, isa niyang kasamahan ang kanyang nakita nu’ng gabing iyon.

Nailahad din ni Dario ang kanyang karanasan nang makakita siya ng babaeng nakaputi sa pintuan ng kanilang cr.

Nagising din isang gabi si Dario at nagmamada­ling lumabas ng silid para mag-cr nang biglang kumulo ang kanyang tiyan.

Nabigla siya nang isang babaeng nakaputi ang nasa tapat ng pintuan ng cr. Hinihintay niyang makapasok ang babae ngunit nagtataka siya at hindi ito kumikilos sa pagkakatayo.

Hindi nakatiis si Dario at nagtanong: “Miss, papasok ka ba at masakit kasi ang tiyan ko?”

Walang sagot na nari­nig si Dario kaya’t hindi siya nakatiis. Kakalabitin na sana niya ang white lady ngunit tila usok itong naglaho.

Natakot si Dario ngunit kailangan niyang pumasok sabay sara sa pintuan ng cr.

Ang ganitong pagpapakita ng white o black lady sa paligid ay patunay na may mga gumagalang kaluluwa sa paligid.

Gayunman, may mga tao lamang ang nakakakita sa kanila depende sa kakayanan ng kanilang mata. Pawang clairvoyant ang karaniwang nakakakita sa kanila.

‘Pag meron kayong ganitong karanasan ay maaaring alayan ng dasal ang mga gumagalang kaluluwa at kung talagang matapang kayo o may lakas ng loob, alamin niyo ang dahilan mg ganitong paranormal na aktibidad.

Para sa inyong nakakatakot na karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang website:www.eeytsiba­yan.com at FB page: Misteryo Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy