Una sa Balita

Black protest sa UAAP, ampaw!

By
0 2

Full force ang supporters ng Ateneo at La Salle sa unang pagkikita ng magkaribal sa UAAP 79 kahapon sa Mall of Asia Arena, pero mukhang hindi nakarating sa lahat ang abiso ng dalawang school na gawing ‘Black Sunday’ ang match.

Sa isang memo noong Biyernes, nanawagan ang DLSU at Ateneo sa mga supporters na magsuot ng black bilang protesta sa extra judicial killings at sa pagpapalibing daw kay da­ting Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Marami ang naka-black, kita sa pag-pan ng camera sa venue.

Pero nangibabaw pa rin ang true colors ng magkatunggali. Mas lutang ang blue ng Eagles at green ng Archers. Sapaw ang black sa sidelines at sa rafters.

Sa introduction ng players­, nakasuot ng black T-shirts ang Eagles na pumila sa center court. Ang Archers, naka-green.