Una sa Balita

Black protest para sa mga inarestong aktibista

0 308

NAGSAGAWA ng black protest ang iba’t ibang militanteng grupo sa harapan ng Manila Police District (MPD) headquarters para igiit ang pagpapalaya sa tatlong aktibista sa isinagawang pagsalakay sa tanggapan ng militanteng grupong Bayan, noong Nobyembre 5 ng madaling-araw sa Tondo,­ Maynila.

Alas-11:00 ng umaga­ nang dumating sa MPD Headquarters ang mga militanteng grupo pina­ngungunahan ng grupong Bayan bitbit ang mga tarpaulin may nakasaad na ‘Stop the ­attack, Defends People’s Right’.

Ipinanawagan ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga bilanggong political activist.

Gayundin, hiniling ng grupo na itigil ang pag-atake laban sa mga tagasuporta nito, at ihinto ang pagtatanim ng mga ebidensya sa mga tanggapan ng iba’t ibang organisasyon ng mga political activist.

Nakilala ang mga ­inaresto na sina Ram Carlo Paculba Bautista, Manila Campaign Director ng Bayan; Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity, at Reina Mae Asis Nasino na Manila Coordinator naman ng Kadamay.

Ang tatlo ay dinakip sa isinagawang pagsala­kay ng mga awtoridad sa Bayan Manila office na matatagpuan sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo, ala-1:15 ng madaling-araw nitong Nobyembre 5.

Bitbit ng mga pulis, ang Search Warrant No. 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, ng Branch 89, ang mga awtoridad nang isagawa ang raid.

Nakarekober rin ang mga pulis ng ilang sandata, na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26 na may serial number (SN) L098028; dalawang 5.56 mm short magazine; 45 pirasong 5.56 mm live ammo; isang colt MK4 Series 80 caliber 45 na may SN 772535; isang magazine para sa caliber 45; 8 live ammunition para sa cali­ber 45; isang colt automatic caliber 45 na may SN 753234; isang magazine para sa kalibre 45; 8 live ammunition para sa kalibre 45. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy