Una sa Balita

Black Lady acting coach ni ‘Onanay’

By
0 263

Palaban pero puno ng pagmamahal, ito ang karakter­ ni Onay sa Kapuso series­ na ‘Onanay’. Ang gumaganap sa karakter na ito ay ang baguhang si Jo Berry, pero ayon sa mga katrabaho niya ay para na siyang beterana­ kung ipakita ang kanyang­ mga emosyon.

Mula kay Cherie Gil hanggang kay Superstar Nora Aunor, puro papuri ang nakukuha niya sa mga ito. Sa dami ng mga natatanggap niyang compliment, nanatiling humble si Jo kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa kanyang mga acting coach.

Kabilang dito ang gumanap na Black Lady sa ‘Kambal, Karibal’ na si Roence Santos, ang assistant director ng Onanay na si Jo Macasa at dating aktres na si Anne Villegas. Kalakip ng mga selfie kasama ang acting coach ay ang maramdaming pasasalamat ng baguhang aktres sa kanyang mga mentors.

“To ate @roence, ate @jomacasa and ate @annevillegas thank you very much po sa matiyagang pagtuturo sa’kin! Literal na hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo!” Kaya hindi na nakapagtataka na maraming tumututok sa Onanay dahil mahuhusay at powerhouse talaga ang cast nito!