Una sa Balita

Black Friday protest sa DOJ vs fiscal killings

By
0 5

Nagsuot kahapon ng kulay itim na damit ang mga prosecutor at empleyado ng Department of Justice (DOJ) para kondenahin ang serye ng mga pag-atake at pagpatay sa mga piskal sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Bilang pagluluksa sa pagkamatay ng kanilang mga kasama, nakaitim ang lahat nang makinig sa misang idinaos sa main building ng DOJ kahapon ng tanghali.

Nauna nang hiniling ng Prosecutors’ League of the Philippines (PLP) kay Pangu­long Rodrigo Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na arestuhin at parusahan ang mga responsable sa pagpaslang sa kanilang mga kasamahan simula noong Mayo 2013 hanggang Setyembre ng taong ito.

Abante Hiring – IT dep

Sa isang statement, ilan sa mga tinukoy ng PLP na hindi pa rin nareresolbang kaso ay ang pagpatay kina Quezon Assistant Provincial Prosecutor Reymund Luna noong Setyembre 29; Mati City Prosecutor Rolando Acido noong Oktubre 26, 2016; Quezon City Prosecutor Johanne Noel Mingoa noong Enero 11; Caloocan Assistant City Prosecutor Diosdado Azarcon noong Mayo 22; Rizal Assistant Provincial Prosecutor Maria Ronatay noong Hulyo 18 at Mandaluyong City Prosecutor Pablito Gahol noong Set­yembre 3.

Samantala, sinabi ni Aguirre na pinayagan niya ang mga tauhan ng DOJ na magsuot ng ­kulay itim bilang paghaha­yag ng kanilang pagdadalamhati sa mga pinaslang na kasamahan.