Una sa Balita

Biz plan contest ng NRCO naglaan ng P.5M sa mananalong seafarer

By
0 697

Mas maraming Pilipinong seafarer at kanilang kaanak ang magkakaroon ng oportunidad na makapagtayo ng sari­ling negosyo at maiuwi ang P500,000 kasabay ng paglulunsad ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) ng ikaapat nitong business plan competition.

Sa temang ‘From Seafarers to Entrepreneurs: The 2018 NRCO-ISP Business Plan Competition (Harnessing Seafa­rers Capacities for Business Enterprises Deve­lopment),’ layon ng kompetisyon na mahikayat ang mga umuwing sea-based OFW na ituloy ang kanilang pangarap na makapagtayo ng negosyo at makapagbigay ng maayos na pamumuhay sa kanilang pamilya at empleyado.

Katuwang ng NRCO ang Integrated Seafarers of the Philippines (ISP) sa proyektong ito.

Ang NRCO ay isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Layon ng patimpalak na magbigay suporta sa pag-unlad ng mga trabaho sa mga komunidad.

Ang best NRCO-ISP Business Plan of the Year ay magwawagi ng grand cash prize na Php 500,000.00; Php 100,000.00 para sa First Runner-up; Php 50,000.00 para sa Se­cond, Third at Fourth Runners-up; habang ang mga matitirang fina­list ay hindi uuwi nang walang makukuha dahil tatanggap sila ng P20,000.00 para sa consolation prize.

Ang kompetisyon ay bukas sa mga indibid­wal, pair at grupo (mini­mum na talong miyembro) ng mga aktibong seafarer, higit ang mga magreretiro na sa pandaragat at interesadong magtayo ng sariling negosyo. Maaari ring su­mali ang mga hindi na aktibong seafarer na nasa Pilipinas ng ­hindi hihi­git sa limang taon at may adhikain ring ­pasukin ang mundo ng entrepreneurship.

Nagsimula nang tumanggap ng mga ­aplikante at business plan para sa kompetisyon ang NRCO noong Mayo 18 habang ang ­deadline para sa ­pagsumite ng entry ay sa Setyembre 7, 2018.
Ang mga isinumiteng business plan ay ­sasailalim sa masu­sing proseso ng scree­ning at evaluation upang ­magkaroon ng listahan ng mga finalist, habang ang mga mananalo ay iaanunsyo sa ­gaganaping awarding ceremony sa Nobyembre, 9, 2018.

Ang mga interesadong OFW ­seafarer ay maaaring mag-download ng entry form, at makakuha ng ­karagdagang impormasyon kaugnay sa kompetisyon sa website ng NRCO: www.nrco.dole.gov.ph; www.isp.org.ph; at sa opisyal na Facebook page ng NRCO sahttps://www.facebook.com/NRCOCentral/.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy