Una sa Balita

Biyuda ni Bryant ‘inaswang’ ni Malone

0 2,719

BATA, sariwa, maganda at seksi.

Iyan si Vanessa Bryant, asawa ng yumaong NBA legend mula Los Angeles Lakers na si Kobe, kaya naman hindi nakapagtata­kang marami pa rin ang nagkakagusto sa biyuda kahit noong bata pa lang ito.

Taong 2003, naging­ magkakampi sa Lakers­ sina Bryant at Karl Malone, naging magkaibigan pati ang kani-kanilang pamil­ya.

Dito na nagsimulang ‘aswangin’ ni Malone si Vane­ssa.

Ayon sa mga report, hindi nagustuhan ni Bryant ang mga pinagsasabi ni Malone sa kanyang misis na tila sinusulot siya.

“What he said is what he said. I believe in my heart that it wasn’t a misunderstanding. My wife wasn’t going to stand for it. She felt uncomfortable being around him to the point that she felt she had to call his wife and tell her,” sabi noon sa isang interview ni Kobe.

“The comments that [Malone] said, I don’t know any man in this room that wouldn’t be upset about that. The past month, myself, my wife, [Malone’s wife] Kay, we’ve had fun together. We’ve been out to their house, just joking around, giving each other a hard time, just clowning, being sarcastic with one another, baby-sitting kids and all that.”
Ano nga ba ang sinabi ni Malone kay Vanessa?

Sa isang insidente, tinanong umano ni Vane­ssa si Malone kung ano ang hina-hunting nito dahil nakasuot ang veteran player ng cowboy hat at boots.

Ang sagot ni Malone: “I’m hunting­ for little Mexican girls.’”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More