Una sa Balita

Biyuda, 4 na katropa dinamba sa drug ops

0 231

KALABOSO ang isang biyuda kasama ang apat pa nitong kabarkadang lalaki na umano’y mga drug pusher na naaresto sa isinagawang drug operation kahapon nang madaling-araw sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga nadakip na sina Leslie Suguia, 43-anyos, biyuda; Pablo Pinto Jr., 41; Crizaldy De Jesus, 34; Nino Eugenio, 41; at Nestor Tamayo, 52.

Ayon kay P/Lt. Eric V. Roxas, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas Police, dakong ala-1:30 nang madaling-araw nang magkasa ito ng buy-bust operation sa A. R Street, Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasa listahan sina Pablo at Crizaldy sa umano’y mga drug pusher sa lugar.
Umiskor ng P300 shabu ang police poseur buyer sa mga suspek at nang iabot na ang isang plastic sachet, dito na inaresto ang limang tulak.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tig-isang plastic sachet na may lamang shabu.

Walang piyansang inirekomenda ang piskalya para sa pansamantalang paglaya ng limang naaresto. ­(Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy