Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biyahero pa-Bacolod ligtas na sa swab test

0 211

Hindi na kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga biyaherong mula sa National Capital Region pagdating sa Bacolod-Silay Airport simula Martes, Pebrero 1.

Ito ay matapos magkasundo sa nasabing usapin sina Bacolod Mayor Evelio Leonardia at Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson sa virtual meeting, na dinaluhan din ng iba pang mga alkalde ng bayan at lungsod.

Pinasalamatan ni Leonardia si Lacson sa pagdinig at pag-aksyon na pumabor sa kanyang hirit

na alisin ang negatibong RT-PCR requirement at sa halip ay magpakita ng negatibong Rapid Antigen Test (RAT) na kinuha at na-certify lamang ng isang accredited na klinika o laboratoryo ng Department of Health sa loob ng 48 oras bago ang kanilang schedule ng flight papuntang Bacolod.

Sinabi ni Lacson na gusto lang niyang masigurong ang mga resulta ng RAT ay tapos na at sertipikado ng isang lab na akreditado ng DOH dahil sinuman ay puwedeng gumawa ng self-test pag may kit. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.