Una sa Balita

Biyaheng Leyte ni Digong kinansela

0 248

Ipinagpaliban sa ibang araw ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa San Isidro, Leyte ngayong Martes.

Ito ang inihayag ng Malacañang sa harap ng kinakaharap na krisis ng maraming mamamayan ng Batangas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais makatiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas ang pagbiyahe at paghahanda ng mga opisyal ng gobyerno.

Nakatakda sanang mamahagi ng mga benepisyo si Pangulong Duterte sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno.

Maglalabas na lamang aniya ng abiso ang Malacañang kapag mayroon ng schedule muli ang aktibidad.

“Due to the recent eruption of Taal volcano, and to ensure safety of travel and better preparation of the officials, President Rodrigo Roa Duterte’s engagement in San Isidro, Leyte – the distribution of benefits to rebel returnees­ – has been rescheduled­ to later date,” ani Panelo. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More