Una sa Balita

Biyaheng Japan

0 265

It’s another beautiful day, folks at ­kasalukuyang nasa Japan pa kami ­together with my Mom and best friend, Hannah Rioteta for a week’s vacation.

Umalis kami last ­October 30 and by time this column hits the news stand, nakabalik na kami from a week-long stay sa tinaguriang Land of the ­Rising Sun.

Isa itong long-overdue vacation, planned many months ago. On-going pa that time ang ‘Starstuck 7’at katatapos lang ng series namin nina Manolo (Pedrosa) at Therese (Malvar) na ‘Inagaw Na Bituin’.

It’s has been a dream to travel. Dati, plinano ­naming umikot sa mga local destination natin. Pero dahil nga sa hectic schedules at kabi-kabilang ­showbiz commitments, hindi matuluy-tuloy ito.

Nang makaluwag-luwag sa schedule at ­payagan ako ng aking home network—ang GMA at GMA ­Artist Center (GMAAC) at mabigyan ng travel visa ng ­Japan—to take a break, bigla kaming nagdesisyong lumarga.

Timely din naman dahil Undas. Medyo mahaba-habang bakasyon din ito.

Itong Japan trip namin is purely vacation, fun-filled trip lang. No work, walang pressure rin.

Unlike nu’ng first out-of-the-country trip ko ­during the 1st Asian Academy Creative Awards (AACA) in ­Singapore, medyo bitin ‘yung pamamasyal namin.

Purposely, andu’n kami to attend the awards night dahil tumanggap ako ng nomination for Best Actress in a Supporting Role para sa pagganap ko sa ‘Kambal, Karibal’, ang biggest break ko bilang Kapuso artist.

And then, luckily, nakasama ako sa grupo ng ‘Studio­ 7’ cast para sa ‘MusiKalye Sa Brooklyn’ sa New York, USA. Ang saya ko sa unang trip ko sa Amerika.

Besides work, nakapamasyal din naman ako with my Mom and some fellow artists ng ‘Studio 7’. It was brief though, fulfilled naman ako. At masayang-­masaya ako having been in the US for the first time.

Itong biyahe namin sa Japan is only my third out-of-the-country trip. Pero sobrang nag-enjoy ako to the max.

Medyo bibitinin ko muna kayo dahil as I write this, huling araw namin today. ­Hahabol kami ng pamamasyal.

Bago ako tuluyang magpaalam, ­gusto ko munang magpasalamat sa dalwang nominasyong natanggap ko sa PMPC Star Awards for Music, namely: Female Pop ­Artist of the Year (self-ttiled album) at Pop Album of the Year (‘Fake Love’). Win or lose, isang karanangalan na sa akin ang mapabilang sa mga nominado.

Up next, ang mga lugar na pinuntahan namin sa Japan. Abang-abang my dear friends and sunflowers.

Ciao for now! Diyos mabalos saindo gabos. God bless you all!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy