Una sa Balita

Biyaheng-Japan ni PDU30 kinansela

By
0 1

Inanunsyo ng Malacañang kahapon, na hindi na matutuloy ang itinakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ngayong Hunyo.

Nakatakda sanang du­malo si Pangulong Duterte sa ika-23 Nikkei International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japa­n sa Hunyo 5 hanggang Hunyo 7, ngayong taon.

Ayon kay Presidentia­l Spokesperson Ernest­o Abella, ipinagbigay-ala­m na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ja­panese counterpart nit­o gayundin sa confe­rence organizers na ang desisyon ni Pangulong Duterte na kanselahin ang pagdalo sa pagtitipon ay bunga ng kaganapan sa Marawi City at Minda­nao na nangangailangan ng panahon at atensyon ng Punong Ehekutibo.

“We thank the Japanese government and organizers for their consi­deration, and both sides mutually agreed that a visit to Japan could be rescheduled in the future. The lines of communication between the DFA and its Japanese counterpart remain open and active in this regard,” pahayag ni Abella.