Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biyaheng Ilocos-Bicol magiging 8 oras na lang

0 72

Lumaki ako sa Pangasinan at una akong nakarating sa Maynila noong dekada 60’s. Ang biyaheng Lingayen-Manila ay inaabot dati ng 8 oras via McArthur Highway. Mga ordinaryong bus lamang ng Pantranco at Villa Rey Transit sinasakyan noon.

Fast forward sa 2021, bukas na ang network ng mga expressway mula na Norte patungong Manila, at mula Manila patungong South.

• TPLEX: Ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway ay nag-umpisa sa Rosario La Union hanggang sa Tarlac City sa habang 89.21-kilometro, kung saan nakadugtong ang SCTEX. Natapos noong 2020, at pinag-aaralan ngayon ang posibilidad na ituloy ang TPLEX hanggang Laoag Ilocos Norte.

• SCTEX: Subic–Clark–Tarlac Expressway ang pinakamahabang expressway sa distansiyang 93.77 kilometro na binuksan noong 2008. Pinagdugtong nito ang Subic Freeport at Clark Freeport para sa dalawang importanteng infrastructure – ang Subic Seaport at Clark International Airport. Konektado eto sa NLEX sa banda ng Mabalacat.

• NLEX: North Luzon Expressway ay dating kilala bilang North Diversion Road o Manila North Expressway na may habang 84 kilometro. Nagtatapos eto sa Balintawak kung saan merong koneksyon sa EDSA at A. Bonifacio Ave. Ang NLEX ay konektado sa Skyway sa dulo ng Stage 3 sa Balintawak.

• Skyway: Ang Metro Manila Skyway ay dumadaloy sa ibabaw ng Metro Manila at pinagdudugtong nito ang NLEX at SLEX. Ang pinagsamang Stage 1, Stage 2 at Stage 3 ay may distansiyang 42.79 kilometro. Dahil sa Skyway, makakaiwas na sa trapik ng EDSA ang mga motoristang tatawid ng Metro Mannila.

SM food to go Banner Ad

• SLEX: South Luzon Expressway ay dating tinatawag na South Superhighway, Manila South Diversion Road, o Manila South Expressway. Ang unang bahagi nito ay mula sa Makati hanggang sa Alabang Muntinlupa na binubuo ng Skyway at-Grade, o yung kalsada sa ilalim ng Skyway. Ang ikalawang bahagi ay ang South Luzon Tollway o Alabang–Calamba–Santo Tomas Expressway. Ang buong SLEX ay may distansiyang 49.6 kilometro kung saan ang dulo sa Sto Tomas Batangas ay direktang nakadugtong sa STAR Tollway.

• STAR: Southern Tagalog Arterial Road, mas kilala bilang STAR Tollway, ay may habang 41.9 kilometro mula sa Sto Tomas hanggang sa diversion road ng Batangas City. May mga proposal na habaan eto hanggang sa Bauan.

Dahil ang mga nasabing expressway ay operational na, posible na ang tuloy-tuloy na biyahe mula sa Rosario La Union hanggang Batangas City nang hindi na naiipit ng mabigat na trapiko sa Metro Manila.

Ngunit hindi pa natatapos dito, dahil sinimulan na ang konstruksyon ng SLEX Toll Road 4 (TR4) noon pang 2019, at nakatakdang tapusin sa 2021. Eto ang 66.74 kilometro na extension ng SLEX mula sa Calamba hanggang Lucena Quezon.

At mula naman sa Lucena, itatayo ang Toll Road 5 (TR5) hanggang sa Matnog Sorsogon, katumbas ang karagdagang 420 kilometro. Matnog ang huling bayan sa Bicol kung saan sasakay ng ferry para tumawid sa Samar island. Ang TR5 ay pinaghahandaan ngayon ng Department of Public Works and Highways.

Kung ang biyaheng La Union-Manila ay 3 oras na lamang, magiging 8 oras naman ang biyaheng La Union-Bicol kapag natapos ang TR4 at TR5. At sa takbo ng mga paghahanda, hindi malaon ay mararanasan nating lahat eto.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.