Una sa Balita

Biyaheng China ni Duterte kasado na

0 275

NAKALATAG na ang mga pagha­handa para sa ikalimang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa Agosto 28 hanggang Setyembre 1, 2019.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre sa departure briefing sa Malacañang na ilang mga kasunduan at memorandum of agreement ang inaasahang malalagdaan sa biyahe ng Pangulo.

Kabilang dito ang mga kasunduang may kinalaman sa edukasyon, agham at teknolohiya, ekonomiya at social development.

Magkakaroon din aniya ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping kung saan inaasahang matatalakay ang mga usaping pakikinabangan ng Pilipinas at China.

“The President will hold bila­teral meeting with President Xi Jinping to discuss the accomplishments as well as the shared goals of the Philippines and China under our Comprehensive Strategic Cooperation,” ani Montealegre.

Ito ang magiging ikawalong pagpupulong ng Pangulo at President Xi, at inaasahang bubuksan ng Pangulo sa Chinese President ang hinggil sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Bukod sa bilateral meeting ay magiging abala ang Pangulo sa mga nakalinyang aktibidad sa kanyang working visit sa China sa susunod na linggo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy