Biyahe sa France ni JV, oks sa Sandiganbayan

By

Pinayagan ng Sandiganbayan ang biyahe sa France ni Sen. JV Ejercito sa susunod na linggo para sa isang official visit sa French Parliament.

Sa open court hearing ng Sandiganbayan 6th Division, inaprubahan ang motion to travel ni Ejercito mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, 2017.

Kailangang magsumite ni Ejercito ng travel authority mula kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III bago ito bumiyahe.

Naisumite na ng senador ang iba pang kailangang dokumento tulad ng itinerary.

Dadalo ang senador sa pulong mga kasapi ng French Senate, France-Southeast Asia Inter-Parliamentary group at French Constitutional Council.

Kasama din sa itinerary ni Ejercito ang pulong sa mga miyembro ng National Assembly, mga Foreign Minister at Ministry of Ecology, Sustainable Development and Energy.

“He also previously posted a travel bond on the amount imposed by this Honorable Court. More importantly, accused commits himself to personally appear before this Honorable Court immediately upon his arrival,” ayon sa mosyon ng abogado ni Ejercito.

Nahaharap si Ejercito sa kasong technical malversation sa Sandiganbayan 6th Division dahil sa pagbili ng mga baril na nagkakahalaga ng P2.1 million gamit ang calamity fund ng siyudad noong 2008 habang Mayor ito ng San Juan City.

SHARE