Una sa Balita

Biyahe ng PNR hanggang FTI na – Palasyo

By
0 294

NADAGDAGAN na ang destinasyon ng mga train ng Philippine National Railways (PNR).

Inianunsiyo ng Malacañang kahapon, ay aabot na hanggang Food Terminal Incorporated (FTI) station sa Taguig City ang biyahe ng mga tren ng PNR.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na makakatulong ang dagdag na train station para mabawasan ang kunsumisyon ng mga commuter na nata-traffic sa biyahe araw-araw.

Abante Hiring – IT dep

Mula sa dating ruta na Sangandaan-Caloocan station hanggang Dela Rosa, Makati City ay madadagdag na sa operasyon ng PNR ang FTI station sa Taguig City.

Sinabi ni Roque na ang train pa rin ang pinakamabilis na gamitin para agad makara­ting sa pupuntahan bukod pa sa mababa ang pamasahe sa PNR train.

“Magandang balita po sa ating mga mananakay, simula nga­yong araw, a diyes ng Set­yembre bubuksan na ang PNR Sangandaan Caloocan station hanggang sa FTI station sa Tagui­g City mula sa kasalukuyang ruta na Sangandaan-Dela Rosa line. Ang pinakamababang pamasahe ay nasa kinse pesos,” ani Roque.