Una sa Balita

Biyahe ng mga pagkain babalik na sa normal – DTI

0 325

Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa mga manufacturers, retailers at distributors na babalik na sa normal ngayong linggo ang daloy ng mga pagkain at ibang non-food materials na naipit dahil sa lockdown sa Luzon.

Sabi ni Lopez, nagkaproblema lamang noong unang tatlong araw ng lockdown ngunit nagnonormal na ito. Nilabas ng DTI ang Memorandum Circular No. 20-08 noong March 20, 2020 matapos magbabala ang mga meat processors na hanggang 15 araw na lang ang kanilang stock dahil hindi dumadating ang kanilang mga raw materials at tauhan sa planta.

Sabi ng DTI, ginagarantiya ng MC No.20-08 na hindi maabala ang pagbiyahe ng raw materials at ng mga tauhan ng mga plantang gumagawa ng pagkain. Hindi malinaw kung paano ito magagarantiya dahil hindi naman hawak ng DTI ang mga taong nagbabantay sa mga checkpoint pati na ang mga local government units na madadaanan. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More