Una sa Balita

Biyahe ng LRT naantala

By ,
0 74

Pansamantalang nati­gil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 mula Monumento hanggang sa bahagi ng Roose­velt Station dahil sa isinasagawang security inspection kahapon ng umaga.

Ang hakbang ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ay kasunod ng pagkakatagpo sa isang kahina-hinalang bag sa may Roosevelt Station sa Quezon City.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Department of Transportation Undersecretary Cezar Chavez, alas-8:45 ng umaga nang matuklasan ang kulay itim na bag at nagpasya ang pamunuan ng LRMC na limitahan muna ang biyahe ng kanilang tren sa mga nabanggit na istasyon bilang bahagi ng seguridad sa kanilang mga pasahero.

Dahil dito, pansa­mantalang pinutol ang biyahe ng LRT line 1 mula Baclaran depot hanggang sa Monumento Station habang nagpapatuloy ang isinasagawang security inspection ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal ng Quezon City Police.

Makalipas ang isang oras, negatibo sa bomba at natuklasan na mga damit ang laman ng bag na naiwan ng pasahero na isang Chinese natio­nal na sumakay mula sa Carriedo Station.

Dakong alas-9:40 ng umaga nang muling ibalik sa normal ang biyahe ng mga tren sa nasabing lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy