Una sa Balita

Bitoy tatanggi sa regalo ngayong Pasko

0 478

Maraming tao ang nag-aabang na ngayon ng aginaldo dahil 17 araw na lang ay Pasko na. Pero iba talaga ang Kapuso Comedy genius na si Michael V., dahil hindi raw niya nais o hiling na makatanggap ng materyal na regalo mula sa mga fan at mga kaibigan.

Sa halip ay humingi na lang siya ng pabor na i-follow at i-subscribe siya sa kanyang mga social media account.

Ang dahilan kasi, napansin daw niya na habang naglilinis ng bahay ay napakarami na nilang gamit na hindi naman napapakinabangan, kaya naisipan niyang huwag nang dagdagan pa ang mga ito. Ramdam daw niya kung gaano karaming biyaya ang dumating sa kanila.

“Nagpapa-renovate kami ng bahay at habang naglilipat kami, napansin namin kung ga’no karami sa gamit namin ang hindi na namin ginagamit. Meron nga ring mga bago pa na hindi pa nagagamit ever.

“Parang na-guilty ako. Na-realize ko na I have everything I need and everything I want AND MORE! So we decided to do something about it. Una, ibibigay na lang namin sa charitable institutions ‘yung iba. Tapos ‘yung iba, sa friends and relatives. Nagsimula na kaming magkahon para magamit ng mas makikinabang.

“Pangalawa, magre-request ako sa mga kaibigan, kamag-anak atsaka mga kakilala ko… baka pwedeng NO GIFTS THIS DECEMBER.

I mean, no physical items.

“Hindi sa ayaw kong makatanggap ng kahit ano this Christmas and birthday ko, pero kung magre-regalo kayo baka pwedeng any of the following na lang:

“A prayer for good health.

“A simple, sincere greeting.

“A Like, Follow or Subscribe sa social media accounts ko.

“Biruin mo, hindi ka na mahihirapan mag-isip ng ibibigay, siguradong maa-appreciate ko pa! It’s a win-win situation!” caption ni Bitoy sa kanyang post kalakip ang selfie na may background ng kanilang bahay na pinaaayos. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy