Una sa Balita

Bitoy patuloy sa pagbibigay ng kasiyahan

0 538

abante-talbog-joe-barramedaNakakatuwang pagmasdan ang cast ng Bubble Gang at Pepito Manaloto na parehong pinagbibidahan ni Michael V for so many years. Bukod diyan ay parte rin siya ng creative  team at sinisiguro niya na laging updated sa panahon ang mga programa at kaya naman lagi itong sinusubaybayan ng mga manonood sa mga nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan na tuloy tuloy ang pag-ere nito sa GMA 7.

Sa pag-oobserba namin sa mga programang ito na nagbibigay kasiyahan sa mga manonood ay para lamang naglalaro ang cast ng parehong programa na puro biruan, kantiyawan at walang epal na sumusunod ang lahat sa bawat instruction na ibinibigay sa kanila ng kanilang director na si Bert de Leon. Kaya naman maganda ang camaraderie ng grupo with the production staff.

Napapanood ang Bubble Gang tuwing Biyernes nang gabi at ang Pepito Manaloto naman ay tuwing Sabado nang gabi.

 

Carla, Sophie tumitindi ang away dahil kay Rocco

Siguradong magkakaroon ulit ng mga pasa sa mukha si Sophie Albert sa well-loved Kapuso primetime series na Pamilya Roces. Muling nagharap ang dalawa at hindi kinaya ng matapang na si Amber (Sophie) ang malutong na sampal mula kay Crystal (Carla Abellana). Mas tumitindi ang away ng magkapatid nang dahil lamang kay Hugo (Rocco Nacino) kaya’t pati ang mga netizen hindi napigilang ma­ging affected, lalo na ang mga nakaka-relate sa sitwasyon ni Crystal.

Pati ang sitwasyon sa mansion ng mga Roces umiinit din. Sino ang magwawagi – ang asawa o ang kabit? Nako, siguradong pasabog na naman ang mga eksena kaya’t huwag palalampasin ang Pamilya Roces sa GMA Telebabad!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy