Una sa Balita

Bitoon sinalba ang Gamboa sa ‘Q’

By
0 762

(Pasig City Sports Center)
2:00 p.m. – CEU vs Batangas-EAC
4:00 p.m. – Go for Gold-CSB vs AMA

Isinara na ng Gamboa Coffee Mix-Saint Clare College ang quarterfinals cast ng 8th Philippine Basketball Association Developmental League 2018 Aspirants Cup matapos ibaon ang Wangs Basketball-Colegio de San Juan de Letran 87-76 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City nitong Martes.

Nahatak din ng Co­ffee Lovers sa playoffs ang kapantay sa 6-4 card na Zark’s Burger-Lyceum of the Phili­ppines University. Mag­kabuhol ang dalawa sa fifth spot.

Abante Hiring – IT dep

Nabura ang 22 puntos na kalamangang naipundar ng St. Clare sa first half nang mag-rally ang Couriers para manindak 75-74 kulang 4 minutes na lang sa laro.

Rumesponde si Chris Bitoon nang ilista ang lima sa kanyang 22 points mula roon para muling ilayo ang Coffee Lovers.

Nagdagdag pa si Bitoon ng four assists at three rebounds, pang-ayuda sa 29 points ni Trevis Jackson.

“Sinasabi ko sa pla­yers na itong game na ‘to, win-or-go-home na kami,” dada ni St. Clare coach Jinino Manansala. “Ini-expect ko lang, lalaban lang kami. Kung manalo, bonus na lang ‘yun.”

Nagsumite ng 12 points at 12 rebounds si Mohammed Pare, may 11 points, 13 rebounds at five blocks si Aris Dionisio sa Gamboa Coffee Mix.

Out na sa kontensiyon ang 5-5 Wangs-Letran at Go for Gold.