Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bitbit na LV bag may P13M shabu, dalaga timbog

0 209

Arestado ang isang big time drug pusher na dalaga makaraang makuhanan ng mahigit P13 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa mamahalin niyang bag Louis Vuitton (LV) sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Janesa Cabardo Canoy, 25, naninirahan sa No.295 Sandico St., Tondo, Manila.

Sa intelligence report ng PNP Drug Enforcement Group, nasa watchlist nila ang suspek dahil sa pagiging big time drug pusher nito.

Bandang alas-4:40 ng hapon nang ikasa ng PNP-DEG, Phillipine Drug Enforcement Agency -National Capital Region at mga tauhan ng Sub -Station 12 ng Caloocan Police ang buy-bust sa Crusher St., Phase 9, Package 7-C, Barangay 176, Bagong Silang Caloocan City.

Isa sa mga parak ang nagpanggap na buyer at umiskor ng P15K halaga ng shabu sa kay Canoy.

Doon na pinosasan ang dalaga at dinala sa Kampo Krame.

Nakuha sa kanya ang mahigit 2-kilo ng shabu na nagkakahalagang P13,600,000.00 na nakalagay sa kanyang LVbag.

Inaalam ngayon kung sino ang supplier nito ng Iligal na droga. (Orly Barcala/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.