Una sa Balita

Bitay ikakanal ng mga reeleksyunista

By
0 105

Malamang na ididribol lang ng Senado ang balik-bitay bill dahil sa mga re-electionist senators na posibleng mawalan ng boto mula sa mga religious group partikular na ang Simbahang Katolika.

Ito ang inaasahan ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza dahil kumpara sa mga kongresista ay mala­king bagay sa mga senador ang boto ng mga religious group sa bansa na pawang tutol sa death penalty.

“The peril of denials of support, especially from Church-based groups, is there. And our sense is, members of the Senate are far more sensitive to withholdings of support than members of the House of Representatives,” ani ni Atienza.

Noong Marso 7 ay walang kahirap-hirap na naipasa ng Kamara ang nasabing panukalang batas sa botong 217 pabor at 54 kontra at isang abstention sa kabila ng pagtutol ng mga lider ng Simbahan.

Hindi ito ikinagulat ni Atienza dahil walang epekto sa kanila ang boto ng Simbahan subalit ibang usapin aniya ito pagdating sa Senado.

Kabilang sa mga reeleksyunista ay sina Sens. Grace Poe, JV Ejercito, Juan Edgardo Angara, Cynthia Villar, Nancy Binay at Ralph Recto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy