Una sa Balita

Bitamina sa kamote

By
0 35

Ano ang naidudulot ng kamote sa katawan? Mahilig kasi ako dito. — Ralph.

***

Ang kamote o sweet potato ay isang sa pinakamasustansyang pagkain sa mundo. Nakakabusog ito ngunit hindi nakakataba. Puno ito ng calcium, potassium at vitamins A and C. Mayaman din ito sa manganese, beta-carotene, vitamin B6, copper at fiber. Maa­ring makatulong ito laban sa mga delikadong sakit tulad ng cancer, sakit sa puso, asthma at rheumatoid arthritis.

***

Ako’y 59 at may hypertension. Pwede ba akong kumain ng tahong? — Bernard ng Bicutan.

***

Tataas ang blood pressure mo kapag kumain ka lagi ng tahong kasi maraming asin ito. Kapag maraming asin, dumadami ang tubig sa katawan at madadagdagan ang trabaho ng puso at ugat mo. Damihan ang kain ng prutas at gulay at huwag itong dagdagan ng asin.

***

Matagal magka-mens ang GF ko. Minsan pagkatapos mag-sex, may dugo galing sa kanya. Ano kaya ito? — Name withheld.

***

Kung ikaw ang unang naka-sex niya, natural na dudugo siya pero hindi ito nangyayari sa lahat ng babae. Maaring mangyari rin ito kapag tuyo ang vagina, after rough sex, o may cervical cancer ang GF mo. Magpatingin sa doktor para malaman ang dahilan nito.

***

Kapag may epilepsy ba sumasakit ang ulo at nasusuka ka? Ano ba ang EEG? Mahal ba ito? — Eric ng Pasay City.

***

Ang epilepsy ay central nervous system disorder kung saan may problema ang nerve cell activity ng utak. Ang pa­nguhahing sintomas nito ay seizures. Patients may stare blankly for seconds, maaring mawalan ng malay o may uncontrollable jerking movements ng braso at binti.

Para makasiguro na may epilepsy, kailangan ng EEG o electroencephalogram. Kinakabitan ng maliit na flat metal discs o electrodes ang anit para malaman ang electrical activity ng utak. Walang kang mararamdaman dito pero masakit ito sa bulsa.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com o mag-text sa 09359720691. Sasagutin ni George ang problema mo dito. Si George ay National Press Club at Philippine Dental Association awardee at author ng 3 health books.