Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bistek pumiyok sa ‘relasyon’ kay Ruffa

0 565

Kahit anong iwas, hindi pa rin nakaligtas si Herbert ‘Bistek’ Bautista sa mga tanong tungkol sa kanyang lovelife.

Yes, sa blog/vlog conference nga ni Bistek, na tumatakbong senador, nasimulan ang chika sa mga achievement niya bilang Mayor ng Quezon City, pati sa mga karanasan niya sa pagdalaw sa Cebu, Bohol, pati na rin kung ano ang gagawin niyang pagtulong sa showbiz kung sakaling manalo siyang senador.

Pero `yun na nga, sa last question, hinirit na nila ang tungkol sa ‘relasyon’ daw nina Bistek at Ruffa Gutierrez.

Sinabi nga ni Ruffa na ayaw niyang mag-assume na siya ang tinutukoy na ‘beautiful girlfriend’ na mas tama nga naman kung si Bistek ang sumagot.

So, heto nga ang chika ni Bistek:

“Hindi ako sumasagot ng ganiyang question, eh!” sabi ni Bistek.

“Sige, ganito na lang… Ah, bakit nga ba tayo napunta doon? Hahahaha!” hirit ni Bistek.

“Sige, ganito na lang, alamin niyo muna kay Tita Annabelle (Rama) kung ano ang gusto niya para kay Ruffa (Gutierrez). Ganun na lang muna!

“Kayo na muna magtanong sa kanya. After this, tanungin niyo si Tita Annabelle, para malinaw, kung ano ang gusto niya para kay Ruffa!” chika ni Bistek.

Well, nasa kolum ni Jun Lalin ang sagot! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.