Una sa Balita

Bistek ayaw angkinin ang titulong Mayor ng Pilipinas

By
0 5,017

BIHIS-MILITARY at pormang Brigadier General ang dating ni Quezon City Mayor Herbert Bautista nang dumalo sa confirmation hearing niya sa Committee on Appointments ng Senate kahapon.

Kasabay ni Mayor Herbert nag-take oath ang ilan pang military officers sa harap ng CA Committee na binubuo ng mga senador at kongresista.

“Kailangan maghikayat kami ng kabataan between 18 to 25 years old na pumasok sa reserve, mag-training sila. Every Sunday lang ‘yon sa City Hall. Pagkatapos noon, bibigyan sila ng number, rank para maging official ang kanilang pagiging sundalo. ‘Yung training nila, more or less, disaster management kapag may bagyo. Kunwari, pumutok ang Mayon Volcano, pupunta sila roon at tutuong,” pahayag ni Mayor bago namumpa.

Ano ang feeling ng isang one-star general at suot ang uniporme?

“Una, malaki ang respeto natin sa uniporme dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong makapagsuot ng ganitong uniporme. Naging sarhento muna ako, kapitan, naging colonel then ngayon, one star general na. Talagang pinaghirapan natin ito. Iba, iba ang feeling!” rason ni Myor HB.

Ayon pa sa QC Mayor, volunteerism ang ginawa niya.

“Unang-una, ang tinuturo sa atin dito, ‘yung pagmamahal sa bayan dahil mahal mo ang bayan mo, mahal mo ang bansa mo, magbo-volunteer ka. The privilege is masusuot mo ‘yung uniporme at bigyan ka ng ranggo na commensurate at bagay sa ‘yo and at the same time, walang suweldo,” saad niya.

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni General Ro­nald ‘Bato’ dela Rosa na bagay siyang mayor ng Pilipinas at hindi lang sa Quezon City dahil sa pagmamahal niya sa kapulisan?

“Ang mayor ng Pilipinas, si Presidente Digong. Siya muna!” tugon ni Mayor Bistek.

Sa May 12 ay 50 years old na siya.

“Golden Boy na tayo. Nag-asawa na si Vic (Sotto), may anak na nga, susundan pa yata. Eh, hihintay ko na lang ‘yung bang wala pang asawa. ‘Pag nag-asawa na sila, puwede na akong mag-asawa! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Brig. General Bautista.

Sa kanyang 50th birthday, plano sana ni Mayor na maglabas ng book. Hindi nga lang ito makakahabol dahil kapos sa oras. Tell-all ba ang laman ng libro niya?

“Ha!Ha! Ha! ‘Yung mga pang-ibabaw muna! Saka na na ‘yung kaloob-looban!” bulalas ni Brig. General Herbert na pinagkaguluhan pa rin ng mga tao nang bumisita sa Senado.