Una sa Balita

Bisor ng electronic company binoga sa Laguna

By
0 3,130

PATAY ang isang 58-an­yos na supervisor ng isang electronics company matapos na ito ay barilin ng isang hindi nakilalang suspek sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Ylagan, reaidente ng Sta. Mesa, Manila, at empleyado ng EEI Corporation sa Calamba City.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba City police, bandang alas-11:15 ng umaga, nag­lalakad ang biktima sa kalsada sa Purok 3, Brgy. Majada Out, Calamba City, kasama ang kanyang mga katrabaho ng biglang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Nagtamo ito ng isang tama sa tiyan at agad isinugod sa ospital. Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Nasawi naman ang biktima habang ginagamot sa Calamba Medical Center.

Inaalam pa ngayon ng mga pulis ang motibo sa krimen.