Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bisor buking sa kinupit na P27K

0 211

HINDI inaakalang magsasagawa ng biglaan audit, buking ang isang 27-anyos na gasoline station supervisor makaraang kupitin nito ang P27K halaga ng benta ng gasolinahan sa Tanza, Cavite, Sabado ng hapon.

Kasong qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Arwin Cu Gallora dahil sa reklamo ng Axis Meg Petrolium Gasoline Station, Brgy Daang Amaya 3, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni Pat John Paul Cruz, ng Tanza Police Station, ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng sorpresang audit si Joshua Daniel del Mundo sa Axis Meg Petroleum Station sa Brgy Daang Amaya 3, Tanza, Cavite at natuklasan niyang kulang ng P27,000 cash na benta ang gasolinahan.

Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya si Del Mundo at ipinaaresto si Gallorca kung saan narekober sa kanyang pag-iingat ang nasabing halaga. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.