Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bismarck sa UP, opisyal na

0 225

ASAHAN na lalo pang lalakas ang pwersa ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa ni high school standout Bismarck Lina mula University of Santo Tomas (UST) Tiger Cubs.

Nitong Lunes, opisyal nang nag-commit para sa Fighting Maroons ang 19-year-old cager.

“Bismarck is going to be part of the Season 84 team. A young man with great fighting attitude and potential,” pahayag ni UP head coach Bo Perasol.

Noong Pebrero, unang nag-commit si 6-foot-5 Lina para sa UST Growling Tigers ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin para sa collegiate career nito.

Makakasama ni Lina sa Fighting Maroons si collegiate stalwart CJ Cansino, na una nang iniwan ang Growling Tigers.

Si Lina ang pang-walong Growling Tiger na umalis sa UST kasunod ng kontrobersyal na Sorsogon training bubble issue. (JAT)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.