Una sa Balita

Bisa ng turmeric, luyang dilaw, salabat sa katawan

0 617

Alam n’yo ba ang turmeric ay isang spice na ginagamit sa pagkain sa Asya habang ang luyang dilaw ay kahalintulad ng pangkaraniwang luya ngunit nag-iiba lamang sa kulay ng laman na nagbibigay ng sapat na sustansya na kailangan ng katawan at ang salabat ay katas ng pinakuluang luya na mainam sa lalamunan.

Ang turmeric ay mabisa bilang gamot dahil kalahi nya ang luya ay may taglay itong nakalulunas sa anumang karamdaman. Nagkakaiba lamang sila sa kulay ng laman ng luyang dilaw na may madilaw o kulay kahel.

Ito ay maliit lamang na halaman at may patulis na mga dahon. May bulaklak din na bahagyang madilaw o maputi. Karaniwan din itong pananim sa mga taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas, ngunit orihinal na nagmula sa bansang India.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luyang dilaw ay maaaring makuha-nan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Ang ugat ay mayroong c­urcumin at may langis din na tumerone, atlantone, at zingiberone. Mayroon pa itong mineral na phosphorus at iron, at kaunting calcium.

Ang ugat na madilaw ang kalimitang ginagamit sa buong halaman. Ito’y maaa-ring pakuluan at inumin na parang tsaa, ihalo sa la-ngis at inumin, o kaya ay katasan. Maaari ding ipampahid sa bahagi ng katawan ang hiniwa na luyang dilaw.

Related Posts

Ito rin ay pinatutuyo at pinupulbos upang maihalo sa ilang mga lutuin at pagkain na tulad ng lutuing chicken curry, ang bulaklak ay maaaring dikdikin hanggang sa maging pino at magamit na pampahid sa balat.
Ilan sa mga sakit na posibleng nakakatulong ang turmeric ay:

1. High cholesterol. Ayon sa mga current resear-ches, ang pagkain ng extract ng turmeric ay nakakapagpababa ng cholesterol, low-density lipoprotein (LDL) at triglycerides.

2. Osteoarthritis o rayuma. Ayon sa mga r­esearches, ang turmeric extract ay nakakatulong mabawasan ang sakit at mas mapalakas ang mga buto at joints.

3. Pangangati. Ayon sa research ang pagkain ng turmeric ay nakakatulong na mabawasan ang pangangati sa may mga long-term kidney disease o sakit sa bato.

Maaaring makabili ng sariwang turmeric o maaari ring makabili ng supplements na may turmeric. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy