Una sa Balita

Birthday ni John Lloyd dinedma ng mga taga-showbiz

By
0 3,461

Kahapon (June 24) ay ika-35th birthday ni John Lloyd Cruz, at sanay naman ang mga taga-showbiz na hindi siya masyadong nagsi-celebrate, o wala siyang magarbong party.

Noon pa man, shy type na si Lloydie, at mas gusto talaga niya na nakakasama lang niya ang mga malalapit sa kanya, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

At marami ang nalungkot dahil parang nakali­mutan na rin si John Lloyd ng mga taga-showbiz. Sa Instagram account niyang @ekomsi ay ni wala man lang bumati sa kanya ng ‘happy birthday’ kahit sa mga malalapit na kaibigan niya sa showbiz. At kahit sa isang IG account na @johnlloydcruztm ay ganun din, at puro mga fan lang ang bumati sa kanya.

Sa Instagram account naman ng Star Magic, na may 2 milyon na follo­wers, bagama’t nandun ang post nila na binabati nga si Lloydie ng ‘happy birthday’ puro fan pa rin ang bumati sa kanya at wala ni isa na mensahe mula sa mga kaibigan niyang artista ang mababasa mo.

Kahit sa Instagram stories ni Toni Gonzaga na leading lady niya (noon) sa Home Sweetie Home, waley ring greetings sa kanya. O baka naman masyado pang maaga ang 12 nang tanghali kahapon, kaya wala pang nag-greet kay Lloydie?

Well, ang tanong nga, nakalimutan na ba si John Lloyd ng mga kaibigan niya sa showbiz? Kunsabagay, mas nauna naman si John Lloyd na tumalikod sa showbiz, at kasama na roon ang hindi niya pakikihalubilo sa mga mga kasamahan niyang artista.