Una sa Balita

Birthday boy naaksidente na, tiklo pa sa droga

By
0 6

Doble bukol ang inabot ng isang birthday boy makaraang masangkot sa banggaan ng sasakyan at mahulihan pa ng iligal na droga kahapon.

Batay sa nakalap na ulat ng Abante sa ­Noveleta Municipal ­Police Station, galing ng Cavite City ang suspek na si Charles Ernest Santos at patungo ng Las Piñas City nang aksidenteng makabanggaan ang passenger mini-bus sa Brgy. Magdiwang Noveleta, Cavite habang minamaneho ang kanyang Hyundai Accent.

Bunga nito’y rumes­ponde ang mga awtoridad ngunit sa hindi inaasahan ay nakumpiska sa loob ng kotse ang isang ­plastic sachet ng ­marijuana at samu’t saring drug ­paraphernalia. Nabatid din na nakainom ng alak ang suspek nang maganap ang aksidente.

Sa himpilan ng pulisya ay inamin ng 35-­anyos na suspek sa harap ni S/Insp. Danny­ Yasay, na regalo sa kanya ang nakuhang marijuana at ginagamit umano niyang gamot pampatulog.

Gayunma’y hindi lumusot sa pulisya ang alibi at tutuluyang ­sampahan ng ­kaukulang kaso ang suspek.