Una sa Balita

Birthday boy Balkman, Mighty pinulbos ang Japan

0 248

By Ray Mark Patriarca

May dalawang rason para magsaya si Renaldo Balkman.

Una, ang kanyang ika-35 kaarawan, panga­lawa, ang paggiba ng Mighty Sports Apparal-Go for Gold Philippines sa Japan para kubrahin ang 94-59 win, Linggo ng hapon sa Changhua Gym, New Taipei City, Taiwan.

Ang ragasa ang ikatlo na ng PH squad sa 41st William Jones Cup Men’s Basketball Tournament 2019 tapos na pagtitibagin din ang Iran (98-72) at Jordan (90-74) nitong Biyernes at Sabado.

Pinakita na sa first half pa lang ng Mighty Sports ang nakakasakal na depensa, siyam na puntos lang ang nailusot ng Japanese sa second quarter para maitarak ng una ang 38-26 at ‘di lumingon pa.

Third frame ay nanalasa si Balkman, kumubra ang Puerto Rican ng 13 points at nakaabante ng 20 papasok sa final canto ang kanyang team.

‘Di na nakabangon pa ang Nippons, at pinakitaan pa ni Balkman ng isang breakaway jam sa dulo dahilan para maghiyawan ang mga Pinoy fan sa venue.

Tumapos ang dating San Miguel import ta­ngan ang 25 points, 12 rebounds at dalawang blocks. Nakatuwang niya si dati ring PBA reinforcement Eugene Phelps na kumamada ng 19 points at pitong rebounds.

Ang dalawa namang Fil-Am na sina Mikey Williams at Jason Brickman ang nagpakitang-gilas sa mga local. Sumungkit ng 17 points, tatlong tres ang pinukol, si Williams habang nag-ambag ng eight points at six boards si Brickman.

Sina Flippin Koh at Haruta Ogawa naman ang nanguna sa mga Hapones, na ipinadala ang kanilang Team B, para sa 10-point finish.

Sunod sa radar ng Mighty Sports ang University of British Columbia Thunderbirds-Canada ngayong Lunes ng alas-tres ng hapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy