Una sa Balita

‘Birdshot’ ng Pinoy nominadong Best Asian Film sa Australia

By
0 26

Kabilang ang Birdshot sa siyam na nominado sa Best Asian Film category ng Australian Academy of Cinema and Television Arts (AACTA), isang kilalang award-giving body sa Australia.

Sa seven years exis­tence ng ACCTA, ito ang unang taon ng Best Asian Film category, kaya ganoon na lamang ang excitement ng mga Asian filmmakers na nakapasok sa prestihiyosong lista­han ng nominees.

Makikipagbakbakan sa awards ang Birdshot (Philippines) sa Train To Busan (South Korea), Dangal (India), I Am Not Madame Bovary (China), Kaasav (India), Our Time Will Come (China), Pink (India), Wolf Warrior II (China) at Your Name (Japan).

Sa listahan, tatlo ang entries ng India at China­, tig-iisa naman ang ­Pilipinas, South Korea, at Japan.

Presented by Foxtel, gaganapin ang 7th ACCTA Awards sa December 6, 2017 sa Sydney, Australia.

Head ng jury ang top Hollywood actor na si Russel Crowe, kay­a ganoon na lang ang kasiyaha­n ng isa sa lead actor­s ng pelikula na si Arnol­d Reyes sa kanyang ­Facebook post.  
“Russel Crowe will watch our film!” shout out ni Arnold.

Ang Birdshot ni Direk Mikhail Red ay ang representative ng Pilipinas sa Best Foreign­ Languag­e Film sa Oscars­ 2018 na gaganapin ­naman sa Hollywood, USA sa Marso.

Ang co-nominees ng pelikulang ito ng TBA Studios ay mga record-breaking box office hits, art house masterpieces­, critically acclaimed social commentaries, at panlaban din ng mga nabanggit na Asian countries sa Oscars.

Maliban kay Arnold, nasa main cast rin sina John Arcilla, Ku Aquino, at introducing si Mary Joy Apostol.