Una sa Balita

‘Birdie’ ni Alden nadakma ni Jo Berry

0 601

Madalas maging trending topic ang mga eksena sa isang Kapuso primetime show kung saan bida sina Jo Berry at Alden Richards. Kamakailan nga ay benta na naman sa mga fan ang kumalat sa social media na eksena kung saan na-portray ng mga karakter nina Jo Berry at Elizabeth Oropesa ang trending cartoon characters na mag-ina. Reality version ‘ika nga ng mga fan ang makikita sa naturang teleserye na naging meme na rin nga.

Ngayon naman ay hindi pinalagpas ng mga fan ang pasimpleng paghipo umano ni Jo Berry sa “Jun Jun” ni Alden Richards.

Ang eksena kasi ay tinapatan ng baril si Sep na ginagampanang karakter ni Alden. Ito namang si Straw na ginagampanan naman ni Jo Berry ay biglang napakapit kay Sep dahil nadala ng takot at pag-aalala. Sa inaakalang mahaharangan niya si Alden upang siya ang sumalo ng bala, ay iba ang natakpan ni Jo.

Sa halip na takpan si Alden ay tanging ang ‘birdie’ ni Alden ang natakpan. At tila aksidente ngang nahipo nito ang bukol ni Alden, bilang maliit nga ang aktres. Hindi ito nakalusot sa mata ng mga fan at todo react ang mga ito.

“Grabe kay Jun Jun napahawak si Nay Straw.”

“Kakainggit ka Nanay Straw, grabe paghawak mo kay Sep.”

‘Yan nga ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga solid watcher na naloka sa kumakalat na litrato social media. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy