Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binura agad IG post: Jennylyn, Dennis tinago pagpaturok sa US

0 110

Ang bilis mabura ng Intagram photo ni Dennis Trillo tungkol sa pagiging ‘bakunado’ na nila ng dyowa niyang si Jennylyn Mercado.

At hindi nga sa Pilipinas ginanap ang pagpapaturok, dahil dumayo pa sila sa Las Vegas, USA, para lang mabakunahan ng Pfizer.

“2 months ago! Pfizered! #latepost #whathappensinvegas,” ang simpleng caption ni Dennis.

Wow, hindi nga namalayan ng marami na umalis pala ang magdyowa 2 months ago.

Pero, ilang minuto nga lang ang nakalipas, biglang nawala sa IG niya ang photo nila na pinagmamalaki ang bakuna nila at hawak ang ‘card’ na may nakasulat na ‘I Took My Shot To Stop COVID-19’. At sa background nila ay nakasulat din ang mga ganung linya.

Mukhang umiwas, o natakot ang dalawa na kulitin sila ng mga netizen, at baka nga paulanan sila ng mga komento na ‘sana all’ nakakapunta ng Amerika para magpabakuna.

Ganiyan kasi ang nangyari kay Sharon Cuneta, di ba? Na sa US din nagpabakuna.

Well…

Mga fan naloka:

RK, Rafael palaban sa landian, badingan

Gulo ang dala ni Rafael Rosell bilang isang mayamang negosyante na magdudulot ng tensyon sa pagitan ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at mayor na si Simon (Nonie Buencamino) sa ‘Huwag Kang Mangamba’.

Sa construction business ni Rafael (Diego) hihingi ng tulong si Eula (Deborah) para sa pagpapatayo ng kanyang healing dome sa Hermoso. Ngunit manggagalaiti sa galit si Deborah dahil malalaman niya kay Diego na humingi na rin ng donasyon sa kanya ang tauhan ni Mayor Simon na si Tomas (Dominic Ochoa) para sa simbahang pinapatayo nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

Dahil sa rebelasyong ito, tuluyang mawawalan ng tiwala si Deborah kay Mayor Simon, tatalikuran ang suporta nito, at iimpluwensiyahan ang apo nitong si Miguel (RK Bagatsing) na kalabanin ang sarili niyang lolo.

Pareho namang walang kamalay-malay sina Deborah at Mayor Simon na si Diego ay ang sikretong kasintahan ni Miguel at na ilang taon nang tinatago ng dalawang lalaki ang kanilang relasyon. Marami nga ang naloka noong ipakita ang harutan ng dalawa, ha! Pareho ngang palaban ang dalawa sa landian, o badingan scene, ha!

Paano magbabago ang kampanya ni Miguel sa pagka-alkalde ngayong lumiit na ang mga mundo nila ni Diego?

Ang ‘Huwag Kang Mangamba’ ay napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Leave A Reply

Your email address will not be published.