Una sa Balita

Binuhay ang turismo

0 473

Walang sacred cow ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Guillermo Ele­azar sa pagpapatuloy ng internal cleansing program sa kapulisan.

Ito ang paalala ni Eleazar sa oathta­king ng mga bagong promote na tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, Quezon City.

Paliwag ni Gen. Ele­azar ang ginagawang internal cleansing ng PNP sa kabuuan ay hindi lamang pagwalis at pagparusa sa mga scalawag kundi pagpapanumbalik sa pride at self-respect sa uniporme ng police personnel at pagpapanumbalik sa tiwala ng publiko.

Sang-ayon tayo sa pahayag na ito ni Gen. Eleazar, hindi talaga tamang pagwawalis lamang ng mga bugok sa PNP ang gawin. Napa­kahalagang panumbalikin ang tiwala ng taumbayan sa PNP lalo na’t hindi pa rin maubos-ubos ang mga tiwali sa kanilang hanay.

Pero siyempre sa husay ng paggabay ni Gen. Eleazar at si­yempre ni PNP Chief Oscar Albayalde sa buong puwersa ng ating pambansang kapulisan ay naniniwala akong pasasaan din at mauubos din ang mga ito at maiiwan ang mga tunay na may malasakit sa PNP na dahilan upang muling manumbalik ang tiwala ng publiko sa PNP.

***

Arangkada na ang kampanyahan nga­yong araw ng mga lokal na kandidato.

Kaya asahan na nating magkakalat na naman ang mga kandidato kung saan-saang mang sulok ng ating bansa.

Katulad na lamang sa Zambales mukhang mainit ang labanan diyan ng magkalabang partido.

Ang nakakatuwa lamang kahit anong init ng laban ng magkatunggaling kampo ng mga politiko na sina Zambales Go­vernor Amor Deloso at ex-Gov. Hermogenes Ebdane ay chillax lang ang kanilang mga katiket.

Balita natin isa sa pinaka-chillax na kandidato ay itong award winning production designer na nanggaling sa ABS-CBN na si Angel Balangon Diesta na nasa ilalim ng tiket ni incumbent Botolan Mayor Doris Maniquiz at Vice Mayor Doris Daria at tumatakbong Sangguniang Bayan member.

Sabagay papaano ka hindi magi­ging kampante kung maayos naman ang paghahatid mo ng serbisyo sa iyong kinasasakupan, ‘di ba Mayor Maniquiz?

Samahan pa ng ‘Angel ng Buhay’ na tiyak kong makakatulong para lalong makilala ang turismo ng bayan ng Botolan.

Well in fairness naman si Angel yata ang nagpakilala ng Botolan sa larangan ng turismo kaya madalas itong dayuhin noon pa man. Bukod pa sa madalas na pagdausan ito ng shooting kaya madalas ninyong makita ang bayan ng Botolan sa mga tinatangkilik na mga shows ng ABS-CBN at siyempre ng mga pelikula kung saan ay kinukuha ang serbisyo ng award winning designer na si Angel Diesta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy