Una sa Balita

Binirong bakla, factory worker nanaksak

By
0 348

Matapos na mainsulto sa hindi magandang biro, pinagsasaksak ng isang factory worker ang kanyang kainuman, nang mapikon ito at magalit, matapos siyang biruing bakla ng huli sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Alex Lasdose, 26-anyos, binata, naninirahan sa No. 6339 CF Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Nakaratay naman at ginagamot sa Valenzue­la City Medical Center (VCMC) si Jobert Ocbena, 24, kalugar ng suspek, dahil sa mga saksak sa tiyan.

Ayon sa report bandang alas-nuwebe nang gabi, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang isang Arjay Bacalla, sa harap ng paupahang bahay sa Natividad Street.

Nagkakatuwaan pa raw ang tatlo at nagbibiruan hanggang sa tawagin ni Ocbena si Lasdose ng bading.

Dahil dito napikon ang suspek at kinuha nito ang patalim na gamit sa panghiwa nila ng pulutan at itinarak ng dalawang ulit sa biktima.

Kahit may tama nagawang makatakbo ni Ocbena na mabilis namang sinundan ni Bacalla, saka dinala sa VCMC.

Nagresponde ang mga tauhan ng Mapulang Lupa Police Asistance Desk at inaresto ang suspek kungsaan saan narekober ang patalim na ginamit nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More