Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biniling segundamanong kotse nakasangla pala

0 47

Good evening po Attorney,

Hi po maam. Magpapa-advice sana po ako sa nabili kong segundamanong sasakyan. Yung papel ng sasakyan po ay nakasanla sa ibang tao at hindi po ako sinabihin ng nagbenta sakin ng sasakyan. Tapos yung nagsanlaan ng sasakyan ay ikakaso ang sasakyan na carnap at kukunin sa akin. Pero my legal paper po kaming pinarmahan si seller at ako. Pa advice sana attorney.

Thank you good evening!

Kristine

Ms. Kristine,

Base sa iyong kwento ay lumalabas na malinis ang pagkakabili mo ng sasakyan dahil nakuha mo naman ito ng may OR at CR ng sasakyan pati na ang sasakyan ay nasa iyo. Ikaw ay isang buyer in good faith dahil wala kang alam sa anumang transaksyon nung seller sa sinasabi mong kanyang napagsanlaan.

Kung totoong napagsanlaan siya ay dapat na nasa kanya ang possession ng sasakyan o kaya ang orihinal na kopya ng OR/CR .

Hindi siya papanigan ng sinumang awtoridad dahil ikaw na ang may ari ng sasakyan. Kung may utang man ang seller sa iyo ay dapat na ito na ang singilin niya o idemanda niya ng panloloko.

Huwag matakot at huwag isuko ang sasakyan at ang karapatan mo rito.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o magemail sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.